jump to navigation

Bagong Stress April 14, 2009

Posted by inferior_poet in Random Thoughts.
Tags: ,
trackback

Nakakastress pa lang magdrive. Ngayon confirmed na mas gusto kong maging passenger na lang. Well, siguro nasasabi ko ito kasi wala akong alam tungkol sa sasakyan.

Nag-aral ako magdrive ilang taon na nakalipas pero pagkatapos ng isang linggong pagda-drive ng manual sa kotse ay suko na ako. Ngayon may auto na ako uli, automatic at di hamak na madali i-drive kaysa sa manual transmission. Ang problema, paranoid ako sa mga ilaw sa dashboard. Nung Linggo nagpunta ako ng Sta. Lucia Mall at nakailaw sa dashboard ko yung (!) na sign pero kapag yung kaibigan ko yung pinagmaneho ko eh wala naman nakailaw.

May nabasa ako sa forum about Mazda 2000, ang ibig sabihin daw nun eh may leak na hangin or faulty yung computer or transmission. Haayy,
kailangan ko pa atang ipagawa yung auto. Kapagod na nga magdrive iisipin ko pa na baka itirik ako sa daan.

Di ko na maintay yung sagot ng pinagtanungan ko through text kaya pasimpleng nagtanong ako sa isang officemate. Yun pala ang ibig sabihin ng (!) na sign ay handbrake. Eh nakababa naman handbrake ko nung nagmamaneho ako, sabi nya dapat daw babang-baba. Oh no! Di kaya mapudpod yung diskbrakes ko? Napupudpod ba yun? Masisira ba yung auto ko dahil dun? Waaa! So, may bago akong isipin ngayon. Kailangan ko na bang dalin sa mekaniko yung sasakyan? Baka itirik ako, di ko alam gagawin ko kung mangyari yun.

Nakakastress pala magka-auto tas wala kang alam dito at lalo na kung binili mo ito galing sa sweldo mo. Pwede na pala akong hindi mag-gym dahil mangangayayat na ako sa kakaisip sa sasakyan ko.

Comments»

No comments yet — be the first.